oi!may nacompose na naman kami na new song!!cool!!!bshin nio
Tuesday, October 31st, 2006
new song!!composed by: PATRICIA(ako!) at valerie
kalimutan ka
I
Tuwing nakikita kita
paligid ko’y tumitigil bigla
ngunit alam ko sa iyong puso
may mahal ka nang iba
bakit siya pa?
kung may iba na siya
di ko mapigil na isipin kita
ang hinihiling ko lang ay makapiling ka
chorus:
iniisip ko sa aking puso
ibigay na ba kita sa minamahal mo?
mahirap isipin na ikaw ay limutin
dahil sa puso ko mananatili kang akin
II
marahil ito ang dapat gawin
kalimutan ka at hindi na ibigin
heto nakatanga na lang sa salamin
hinihiling na ikaw ay maging akin
bakit di mo siya makalimutan
tuloy, ako naman ay napipilitan
tulungan ka sa mahal mong laging nasa isipan
kahit puso ko ay nasasaktan
chorus
III
Sinubukan ko nang sabihin sayo
Na ikaw ang nilalaman ng puso ko
Ngunit puso ko ay nabigo
sa mga panalangin at pangako
oh, mahal talaga kita
at ngayon ay aaminin ko na
sana’y wag kang magalit
sa puso kong lubos na mapilit
gandaba ng knta?whapackk…!!!



